-Law of Equivalent Exchange
MOnI MoNi Blues and DotA Saga
May 4, 2007Yeah! It's been a while since I posted here. Well, in the past few weeks, I've been working and "working" here in the office during the weekdays and in LB every Friday night and weekends. Ano pa nga ba gagawin ko sa LB eh di… matulog hehe.. Matulog after ng mga inuman sessions hehe.. Before the sem ends, there was the UPLB Induction Ball held in some resort in Mira Monte in Pasol, Laguna. Well, enjoy kasi minsan mo lang makikitang naka-formal ang mga brods at sisses mo hehe.. At siyempre after ng ball ay swimming, ang iba naman ay natulog na dahil daw sa pagod. Of course sa mga ayawa magswimming at di pa inaantok, meron siyempreng moni. Wala nga lang ako pictures ng induction ball so sorry na lang.
After the sem, konti lang ang nagsummer class at karamihan ay nasipagbalikan na sa kani-kanilang probinsya (as in hehe.. no offense ha, totoo naman eh hehe..) kaya small group lang kaming nag-iinuman. Laging pinapatugtog ang mga kanta ng My Chemical Romance, Fall Out Boy, Chicosci, Kala, etc. mostly alternative, si Ryan lang ang emo haha!! Ayos lang na full volume ang sounds dahil wala naman yung mga kapitbahay, well minsan binabato yung bubong ng kabila sa ingay ng kwentuhan, tawanan, at pagpapatugtog hehe.. Nang mauso ang 300, may napagtripan na picture si Raf at pinalitan ng mukha nilang maghahousemate yung mga mukha son sa picture, with the quote, "Tonight, we drink in Pearl!"
That has been my ruotine in the last few weeks. Parang, well sabihin na rin nating bakasyon sa LB. Kapag may pera ang mga tao at may even number kami, yayaan na sa computer shop at maglalaro ng DotA. Hindi na nagbago ang laro ko hehe..Nakakadik talaga. Dati kasi, nung hindi ako masyadong pumupunta ng LB dahil wala namang activities at tuwing may activity lang ang COSS ako dati pumupunta nun, hindi na ako nakakalaro ng DotA kasi wala naman akong kalaro dito sa Manila, nahuli ako sa update sa DotA, ang huli kong nalaro eh 6.3x, can't remember na, that time then bigla lang may mga 6.40, may mga bago nang heroes kaya nag-enjoy ulit ako hehe.. Haay… sana bumalik ang panahon hehe..
Kapag wala namang nagyayaya ng DotA, naglalaro ako ng Diner Dash 2 at Mystery Case: Prime Suspects at pareho ko nang tapos hehe.. ADIK!
IntraCOSS ‘07
March 2, 2007Feb 23, 2007 (Eve)
Derecho na kami ni Jai ng LB after ng trabaho. I went straight to Pearl St., while Jai went to Ilag's, to his former apartment. At Pearl, si Renee lang ang alumna na nandon. Nanabik sa refreshment (alak! hehe) nag-one on one muna kami ng San Mig Light (2 bottles for me and 1 for Renee..) Ryan and Gaux came pero hindi na nakijoin sa amin, un lang naman kasi ung nandon hehe.. I and Renee are drinking outside with Azhelle while the others are inside watching Naruto, Death Note and Ghost Rider. Wala masyadong tao that time, busy daw sa acads. It was the birthday of my sponsee kaya sumadya ako sa LB kaagad. Ayon, konting inuman to celebrate it hehe.. Natulog din ako ng 12mn dahil nga may laro kinabukasan.
Feb 24, 2007 (The Day)
Don't know kung saang team ako sasama but since naka-itim na akong jersey so join na sa Black team. There are always 4 teams sa IntraCOSS. For this year's IntraCOSS, the teams are Gray, Black, Red and White. (Sorry mahirap makita ang white sa ganitong background hehe..)
Basketball
May mga epal nga lang na nauna sa amin sa court kaya nakalaro na rin kami past 8am na. Well, we reserved the court from 8am, ewan ko lang sa mga barangay officials bakit hindi pa sinaway ung mga un kaya nadelay yung start namin. Anyways,nakalaro na rin kami sa wakas. Konti lang ng COSS ngayon so hindi na inabot ng basketball team ang bawat team so labo-labo na lang. Nauna maglaro ang mga sisses then mga brods. Salit-salitan kami, mga 2 games each (mas mahaba nga lang playing time ng mga brods hehe..) well, got 2 of my 4 three pointer and that's the only score I got (dalawang magkasunod un kaya binantayan na ako kaya hindi na rin ako nakatira after nun hehe..) Sarap talaga magbasketball!!!
Fun Games
Ang mga fun games ay wheel barrow at dodge ball.Hindi na ako sumali sa wheel barrow pero sa batuhan sumali ako. Nangulelat kami sa wheel barrow, ewan ko kung bakit nagkamali lang at nakaladkad si Jay-Ann kaya tumagal.. Sa dodge ball naman, well, nakabawi kami dahil kay Mac. Medyo tumagal din ako sa gitna kaso ganon talaga ibang tao pa rin ang bida, wala na akong angal don hehe..Supposedly may dampa kaso hindi fair ang mga goma na binigay sa mga team, ang pinakamabigat na siguro ang yung sa team namin, ung black na goma na makapal ba naman! Anyways, hindi na tinuloy un. hehe..
Amazaing Race
Next game willl be the amazing race. Each station has a challenge and puzzle before we can get a clue. Mejo natagalan kami sa paghanap ng flag for our first clue and I don't know na kung sinong bayani ang nakahanap.The puzzle, add a curve line that will make the statement IX=VI true. Loucar got it by putting S before IX. First clue, may mga cards ng AXE numbered 3,3,9 and A. At first I was looking at the pics at the cards (well, tao lamang natutukso…) akala ko may kinalaman ung parts ng body sa pupuntahan namin, BioSci naisip ko but then, una naming hula ay Agri kasi A933 (A-A, 9-g, 3-E, 3-E) but then we still figuring out while walking when Mac realize it could be ACCI cause the cards are branded AXE (sounds like ACCI..) and then Loucar second the motion saying that A-A, 3-C, 3-C, 9-I so by then we are sure it is ACCI and yes it is. The challenge will beThe next clue is easy,just get the letter that makes the word's spelling wrong that brought us to EE Bldg. We rode a jeep going there observing every place of possible station. We saw a station at the PhySci then. We asked the jeepney driver if he could bring us to the EE Bldg and he agrees. Ang bait ni manong! Getting at the station, the challenge asks if spoon or garter and of course we chose garter. The challenge will be 3 high jumps on garter shoulder high by 3 members. Mac, Loucar and Azhelle did the challenge and we did. The puzzle was a programming code that outputs the next station. First we gave it to Loucar but then he can't get any word. Next gave it to Mac and still can't get it. Then my turn has come then we got the main lib haha!! We again rode jeep to the main lib. The main lib challenge is moderately easy cause we have to direct a blindfolded member to pick up papers that has our color on it. The puzzle is again a programming code that points to PhySci (we actually didn't solve it because we had an idea of PhySci as a station and as we saw P and H we hurried to the bldg..) Lahat ng team nahold sa station na 'to pwera lang sa amin.. Alam ko kasi solution sa tali dahil naturo na sa akin nung training ko sa boy scout. mga 5 secs lang daw nang matanggal ko yung tali so kami talaga pinakamabilis sa station na yon. The puzzle then is a glue stick and a strip of paper. I got the idea then na ipupulupot yung strip ng paper sa glue stick and we got Veterinary Medicine Building. We again rode a jeep to Vet Med Bldg at ang babait ng talaga ng mga driver at hinatid kami saloob ng VetMed. Hinanap namin sa loob pero wala at nasa Carillion pala! VetMed yung clue tapos nasa Carillion?? Ito na ang pinaka-pisikal na challenge, pinagpush up ng 15 ang mga lalaki at jumping jack ang mga babae. After nun, wheel barrow. Haay!Sumakit balikat ko! The next puzzle at words lang din na ang clue ay ang Baker Hall which is nagka-idea na kami nang makita namin sina Sim, Marion at Ate Rueth nung manggaling kami ng EE Bldg. That is the last station then. All through out the race we have high spirit. Competitive kami eh! We found ourselves 2nd place. WHY!!! Nauna ang Gray team pano ba naman kasi,tinanong namin yung ruta nila, paikot lang! It's so UNFAIR!!! Well,nangyari na ang nangyari at ang bibitter namin.. Konti lang lamang eh!
Volleyball
I don't really play volleyball. Nagkainterest lang ako sa setter ng UST volleyball team wearing jersey #14, Denise Patricia Tan. Cute cute nun hehe.. Mabalik tayo, Black and White merge to play against Gray and Red team. Talo team namin sa unang set. Pinalaro mga hindi "marurunong" sa second at third set. Talo kami nung 2nd pero nanalo rin nung 3rd. Nakalaro rin ako nung 3rd set. Dami ko ngang errors eh, naka-score din naman hehe.. 4th set, ayun, talo ulit kami so panalo na ung kabila.
Awarding
We came up 2nd placer lang at 1st place ang Gray. Nakakapanghinayang talaga yung Amazing Race. Well, ganon talaga.. We are there for fun so sige tanggapin na.. hehe.. Got an award then as "Ang Pantas" dahil ang dami ko ring nasolve na puzzle. Other awards, marami rin di ko na iisa-isahin hehe.. We then get back to Pearl St. We are to go to Pleasant Vill for Fred's Birthday Party. Naabutan naming nag-iinuman na sina Ariel, Jayson, Jaymar and Jeng. Nagpahinga muna at naghilamos para pumunta kina Fred.
The Ultimate Bonding Experience
February 23, 2007Saturday after fair, I woke up 10am dahil mejo naiinitan na ako. Naglaro muna ng Trivia Machine hanggang may iba pa na magising. Nakakaadik na Trivia Machine na yan! Nakakafrustrate, hirap ng mga trvia pang-amerikano eh, alay ko ba sa mga soaps abroad eh pang Super Twins, Asian Treasure at Jumong lang ako no! hehe… Well at least naka-3rd place ako (nung tym na un pero sa sandaling ito, baka hindi na hehe..) Hapon na nang magising sina Jayson at iba pa. Siya namang dating ni Jop kaya naman imbes na merienda eh inuman session na naman na tubig lang ang chaser (woooh!) Naghahanda ng pagkain sina Jay-Ann (a.k.a Chin-Chin hehe..) at nagmagandang loob na bigyan kami ng pulutan na lumpiang shanghai. Hindi ko na tinanong kung sino nagtimpla pero ang sarap! SInuman ang gumawa non eh, bravo sa yo! hehe..
Well, bakit nga ba naghahanda ang FinCom ng pagkain? Ang sagot ay para sa UBE o Ultimate Bonding Experience ng UPLB COSS. This serves as our traditional CSC (Constructive Self-Criticism) every end of sem wherein labasan na ng lahat ng sama ng loob sa bawat miyembro!! hehe.. Nung kapanahunan ko eh sa NCAS lang namin ginagawa ang CSC. Ngayon, wow sosyal na ang COSS, sa resort na ang CSC at naiba na ang tawag, un nga Ultimate Bonding Exerience o UBE para mas madali. Last sem lang nauso 'to, hindi ko na rin alam kung paano pero nakaattend din naman ako last sem.
Naiwan kaming mga alumni sa Pearl St., naglaro muna ng DotA. Past 8pm na kami sumunod at ewan ko ba kung pano at ung dala naming GranMa eh nahulog sa plastik at nabasag (Sayang naman!) so I have to fund for another long neck of GranMa (eh bakit hindi Empoy?? basta ayaw ni Jayson eh hehe…) Anyway, feeling ko talaga (well, namin) na mga parasite kami kasi ung mga handa nga, ung mga tira nila eh kami na lumamon hehe..Pero walang bola, ang sarap ng lumpiang shanghai. After eating, I and my fellow alumni (Ariel, Shabbs, and Jayson) together with Jec and Jaymar had our own UBE. Ano pa nga ba un eh di inuman session hehe..Konting tugtugan sa gitara dahil wala kaming pera para sa videoke (na nagkakahalaga ng P500, inisip ko na sayang lang ang pera so wag na lang!) Mula sa mga rock hanggang sa lebel ng Hansons at Moffats na hindi na kinayanan ni Jec hehe (reminds me of Wednesday night na kumanta kami nina Ryan at Jaymar sa Pearl St. ng mga hits ng Backstreetboys, N'sync, A1 and the like hehe..) May time na binibiro namin ang isa na awa ng Diyos kahit nakainom kami eh walang nagkapikunan ng masama (matindi lang ung kina Jose Manalo at Red Ford White hehe..) Saya talaga ng UBE, well masarap mag-UBE! hehe.. Hanggang ngayon nagtataka ako, mula Tuesday then Wednesday then Friday then buong Sabado nagkipaginuman ako pero hindi ako tinamaan ng grabe.. hmm… bakit kaya?? hehe..
Note: I'll try to posts some pics here as soon na may mag-upload sa COSS.. ü
UPLB FEB FAIR ‘07
February 22, 2007Feb. 13, 2007
Nothing much happens. Naglaro lang ng pinoy henyo sa booth. Natuto rin ako ng Pictionary. Nakakabano kasi hindi ako magaling (oh well, marunong) gumuhit. Medyo nadaya sa bandang huli nang tamang-tamang nahulaan ni Mike ang sagot eh time na raw! (Eh tamang-tamang pagkasabi ni Mike ng sagot eh 1 pa lang tapos sabi hindi umabot!amp!) Oh well, pabayaan na, laro lang naman eh hehe.. At siyempre hindi mawawala ang inom sa Pearl St.
I spent Valentine's Day with COSS. Ganyan talaga kapag kasama ka sa SMV hehe.. Malamig pero masaya dahil Brods and Sisses' Night as usual. Sisses gave us, brods a poem and a song to the tune of Halaga na binago ang lyrics kaya nabago na rin ang rhythm haha!! The poem was written in a decorated paper (di ko na alam kung anong tawag sa paper pero astig din ang design) na bago binigay sa mga brods eh pinahulaan muna kung sino ang brod na gagayahin nila hehe.. Awa ng Diyos walang gumaya sa akin, basta na lang inabot hehe..(dapat ba akong matuwa or what?! hehe..) At hindi mawawala ang beso-beso, brods to brods! JOKE! sis to brod siyempre. Binigyan naman ng tig-isang rosas ang bawat sis. At hinaranahan namin ng… (walang kamatayang, Bakit ba ganyan?? hindi na! hehe..) kumanta kami ng Is It Okay If I Call You Mine at One and Only You ng Parokya ni Edgar habang inaabot namin ang mga rosas. At may cake ang mga brods for the sisses at yan na ngang nasa picture ang cake na un (alam na kung anong brand, nag-iisa lang naman ang Mernel's hehe..). After the event, kanya-kanya nang HHWW na sa fair ang mga magjojowang brods at sisses hehe.. At siyempre after nun, inuman ulit sa Pearl St. Natulog na ako ng 3am dahil papasok pa ako at silang tuloy pa rin sa pagmoni nung umalis ako ng 5:30am don.
The last day of the fair. Grabe nahirapan akong sumakay sa harap ng Megamall ng derechong Sta. Cruz kaya nang may dumaan na derechong Crossing, Calamba eh sumakay na ako. Dinaanan ko si Hertz sa shop niya, ang Netmoto. Nagkamali ng tingin si Hertz sa pera ko, ang akala niya eh bente lang un pala eh P50 at nung sabihin namin sa nangongolekta ng bayad eh P20 lang daw ang binigay ko na hindi man lang talaga inusisa ung mga hawak niya! (at gusto ko non magwala dahil ang kups!) Well anyway, pinabayaan na lang at inabonohan na lang ni Hertz (kakainis talaga ung barker na un!) Napagdesisiyunan namin na kumain muna sa Petrino's (nakakamiss na mga silog dito!!!) at nagkita-kita kami nina TJ, Jayson, Tristan R. at Ariel. Nang natapos na kami eh biglang dating nina Joanne at RJ. Tiganan mo nga naman ang kapalaran hehe.. Sa field, mejo feeling ko ang tanda na namin kasi kami-kami lang mga fresh grad ang nandon pero di rin nagtagal eh dumating na sina Nil at bigla ulit kaming bumata! hehe.. Umaapaw ang mga alumni, masikip na rin ang field. As usual, may inuman sa booth ang bawat org, ito rin kasi ang time na mga alumni dumarating. Masaya na sana ang gabi kaso may mga Pigoy na kumuha ng mga brandy namin at itinapon daw sa damuhan… Sayang naman! Mejo nakakabitin ang inom.. Bonding at lahat sa field 'til mga 3am na yata nun at dumerecho kami sa Pearl St. for another round hehe…
All in all, masaya ang fair! Nakakamiss tuloy ang buhay estudyante! Medyo hindi ko nga lang nadaanan ung mga dati kong housemates, sina Ron at Jay-r. Ok lang un, may March pa hehe..
For more pics of me in fair, click here .
Pictures courtesy of Renee and Pow.
INTRODUCTION
February 7, 2007 First of all, ano nga ba ung RENKINJUTSUSHI? Alchemist lang un. Nakuha ko sa Hagane no Renkinjutsushi (Full Metal Alchemist.) Kung hindi niyo alam un, magbasa na lang kayo sa wikipedia hehe..
Pinakagusto ko kasing element ang apoy kaya flame alchemist ang napili ko which is Roy Mustang na nasa picture.
Hindi po ito tungkol sa Full Metal Alchemist. Effect ko lang un hehe… Well, mostly mababasa niyo rito ay mga geek stuffs. Mostly lang naman, may mga kakalugan din akong ipopost. Started this blog to share my knowledge and to consult na rin (sana hehe..) over things na hindi ko masolusyunan. So more of give and take dito (kaya nga alchemy eh) hehe.. as the law of equivalent exchange states. Hope maraming bumisita at magpost ng comment. Until then.. CIAO!


